Wednesday, December 22, 2010

Christmas Gift

Nasanay na ako..

3 years single, sinong di masasanay?..

Masaya naman kahit papaano..

pero hindi kontento..

Nalilito ako..Natatakot ako..

Ready na ba ako?

Ready na ba akong magmahal ulet? (haha parang emo lang)..

Hindi nga, nakakamiss din kasi minsan na..

sa mga importanteng okasyon tulad ng pasko..

meron isang tao na nakakasalo mo sa saya..

Sana naman magkaroon na ako..

Christmas Gift na lang..






Monday, December 20, 2010

Malamig ang Pasko

Just arrived sa hometown ko dito sa Surigao.

7 long hours travel by bus. Nakakapagod kaya.

Plano ko sana sa Davao na muna ako hanggang 24

kaso nakakabagot na. Ang dami ko nang natatanggap na

mga text messages ng mga friends ko. Nag eenjoy na sila kasi

magkakasama na naman. Eh, minsan lang mangyayari kasi

halos lahat nagtatrabaho na. Ako na lang ata ang nag-aaral pa.

Kaya biglang napasugod ako sa ECOLAND terminal at PUMILA sa sakayan ng bus.

Bago ako dumating dito, dami kong naririnig at nababasa tungkol sa

SMP! Ano ba to? "Samahan ng Malalamig ang Pasko"

pinasikat ito ng commercial ad ng Nestea..(infernis ang cute ni Nicos)

walang boyfriend o girlfriend, binusted, at nasaktan

ilan lang daw sa mga dahilan ng SMP

Reaksiyon ko naman dito

ang O.A naman! Eh bakit ako? 3 taon na walang partner?

bakit hindi ko naramdaman yan?hehe

individual differences nga!

Pagdating ko dito sa Tandag (pangalan ng munisipyo namen)



bakit ganito? bakit biglang ganito nararamdaman ko?

Hindi dapat ganito! Hindi ganito sa Davao!

Nakakainis!


UMUULAN! ANG LAKAS LAKAS NG HANGIN!


PARANG BUMABAGYO! MAY KASAMANG


KULOG AT KIDLAT PA!


BADTREEEEP!


sheeeeet!!!!



ANG LAMIG NG PASKO KO!


Friday, December 17, 2010

Na naman!

Exact date ng second and last blog ko ay January 27, 2009 pa.

Eto yung time na aliw na aliw ako sa kababasa ng mga blogs ni

Mandaya Moore

kaya biglang ginanahan ako na gumawa ng mga blogs.

Ang dami palang nangyari sa loob ng isang taon:

hinto sa pag aaral,

naghiwalay,

umuwi sa aming bukid sa Surigao,

nagpunta ng Maynila,

balik aral na naman sa Davao.

Parang kahapon lang yata ako nagpapasalamat kay

http://mandayamoore-orlis.blogspot.com/ ah! hehe

Ngayon, December 17, 2010 magpapasalamat

NA NAMAN

ako sa iyo

MANDAYA MOORE http://mandayamoore-orlis.blogspot.com/

dahil muli akong dinala ng tadhana(hahaha) sa blog site mo,

at naaliw na NA NAMAN ako sa mga blogs mo,

bigla akong nataranta sa pag retrieve ng password ko sa account na to.

Wala kang kupas Mandaya Moore.

Mabuhay Ka!