kaya late ulet ako. Hindi na bago sa akin yun.(lol)
Nagmamadali na akong pumunta ng skul,
pagbaba ko sa rela(tawag ng sasakyan namin dito sa cdo), may mga taong nag aabot ng mga
bagay na sa kinaroroonan ko ay di ko pa makita kung ano.
Nag mamadali akong lumapit kasi akala ko
libreng sim pack ng globe o tm..hehe
HINDI PALA!
nang makalapit na ako
inabot sa akin ng mama itong
HOLY BIBLE!
Holy Bible pala! (Sa tingin niyo na disappoint ako?)
Nag dalawang isip akong tanggapin kasi parang
"Hindi ko rin naman babasahin 'to"
at "ano ba naman to? pati Bibliya ginagawang give aways"
Pero naisip ko "Oo nga noh? Bakit hindi? eh libre na nga aayawan pa!"
Kaya tinanggap ko na kahit na sa isipan ko "Sana may dala akong bag, nakakahiya"
Pero halos lahat pala ng studyante may dala dalang bibliya.
Ang sarap isipin na sa kabila ng krisis na kinakaharap ng ating bansa at maging sa buong mundo
meron pa ring mga taong hindi nagsasawa na tumutulong sa kapwa nila.
Pero sana talaga meron ding mamigay ng sim pack!!hahahahaha