Tuesday, February 8, 2011

Excited

Excited na ako sa malaking event na mangyayari sa aming bayan..

hahaha first time ko to mag blog ng ganito..

post ko later ang mga pics..hehe

Tuesday, January 11, 2011

Rachelle Ann Go sings "At Last"




I super duper love you Rachelle Ann Go!

Wednesday, December 22, 2010

Christmas Gift

Nasanay na ako..

3 years single, sinong di masasanay?..

Masaya naman kahit papaano..

pero hindi kontento..

Nalilito ako..Natatakot ako..

Ready na ba ako?

Ready na ba akong magmahal ulet? (haha parang emo lang)..

Hindi nga, nakakamiss din kasi minsan na..

sa mga importanteng okasyon tulad ng pasko..

meron isang tao na nakakasalo mo sa saya..

Sana naman magkaroon na ako..

Christmas Gift na lang..






Monday, December 20, 2010

Malamig ang Pasko

Just arrived sa hometown ko dito sa Surigao.

7 long hours travel by bus. Nakakapagod kaya.

Plano ko sana sa Davao na muna ako hanggang 24

kaso nakakabagot na. Ang dami ko nang natatanggap na

mga text messages ng mga friends ko. Nag eenjoy na sila kasi

magkakasama na naman. Eh, minsan lang mangyayari kasi

halos lahat nagtatrabaho na. Ako na lang ata ang nag-aaral pa.

Kaya biglang napasugod ako sa ECOLAND terminal at PUMILA sa sakayan ng bus.

Bago ako dumating dito, dami kong naririnig at nababasa tungkol sa

SMP! Ano ba to? "Samahan ng Malalamig ang Pasko"

pinasikat ito ng commercial ad ng Nestea..(infernis ang cute ni Nicos)

walang boyfriend o girlfriend, binusted, at nasaktan

ilan lang daw sa mga dahilan ng SMP

Reaksiyon ko naman dito

ang O.A naman! Eh bakit ako? 3 taon na walang partner?

bakit hindi ko naramdaman yan?hehe

individual differences nga!

Pagdating ko dito sa Tandag (pangalan ng munisipyo namen)



bakit ganito? bakit biglang ganito nararamdaman ko?

Hindi dapat ganito! Hindi ganito sa Davao!

Nakakainis!


UMUULAN! ANG LAKAS LAKAS NG HANGIN!


PARANG BUMABAGYO! MAY KASAMANG


KULOG AT KIDLAT PA!


BADTREEEEP!


sheeeeet!!!!



ANG LAMIG NG PASKO KO!


Friday, December 17, 2010

Na naman!

Exact date ng second and last blog ko ay January 27, 2009 pa.

Eto yung time na aliw na aliw ako sa kababasa ng mga blogs ni

Mandaya Moore

kaya biglang ginanahan ako na gumawa ng mga blogs.

Ang dami palang nangyari sa loob ng isang taon:

hinto sa pag aaral,

naghiwalay,

umuwi sa aming bukid sa Surigao,

nagpunta ng Maynila,

balik aral na naman sa Davao.

Parang kahapon lang yata ako nagpapasalamat kay

http://mandayamoore-orlis.blogspot.com/ ah! hehe

Ngayon, December 17, 2010 magpapasalamat

NA NAMAN

ako sa iyo

MANDAYA MOORE http://mandayamoore-orlis.blogspot.com/

dahil muli akong dinala ng tadhana(hahaha) sa blog site mo,

at naaliw na NA NAMAN ako sa mga blogs mo,

bigla akong nataranta sa pag retrieve ng password ko sa account na to.

Wala kang kupas Mandaya Moore.

Mabuhay Ka!

Wednesday, January 28, 2009

Banal na Aklat

Tinatamad na naman akong pumasok sa klase ngayon

kaya late ulet ako. Hindi na bago sa akin yun.(lol)

Nagmamadali na akong pumunta ng skul,

pagbaba ko sa rela(tawag ng sasakyan namin dito sa cdo), may mga taong nag aabot ng mga

bagay na sa kinaroroonan ko ay di ko pa makita kung ano.

Nag mamadali akong lumapit kasi akala ko

libreng sim pack ng globe o tm..hehe

HINDI PALA!

nang makalapit na ako

inabot sa akin ng mama itong

Photobucket

HOLY BIBLE!

Holy Bible pala! (Sa tingin niyo na disappoint ako?)

Nag dalawang isip akong tanggapin kasi parang

"Hindi ko rin naman babasahin 'to"

at "ano ba naman to? pati Bibliya ginagawang give aways"

Pero naisip ko "Oo nga noh? Bakit hindi? eh libre na nga aayawan pa!"

Kaya tinanggap ko na kahit na sa isipan ko "Sana may dala akong bag, nakakahiya"

Pero halos lahat pala ng studyante may dala dalang bibliya.


Ang sarap isipin na sa kabila ng krisis na kinakaharap ng ating bansa at maging sa buong mundo

meron pa ring mga taong hindi nagsasawa na tumutulong sa kapwa nila.


Pero sana talaga meron ding mamigay ng sim pack!!hahahahaha

Tuesday, January 27, 2009

First Timer

Dahil sa kababasa ko ng mga nakaka aliw na blog,

bigla akong naging interested sa paggawa nito.

Nang simulan ko nang gumawa ng sarili kong account

di ko lubos maisip (o sadyang nakalimutan ko lang talaga)

na meron na pala akong account sa blogger dated 2006 pa.

So noon pa pala talaga, interested na ako sa paggawa ng blog.

Hindi na pala ako first timer.hehe

Nagpapasalamat ako sa

http://manilagayguy.net/

at sa

http://mandayamoore-orlis.blogspot.com/

dahil napukaw yung interes ko sa paggawa ng blog.

Salamat sa mga may akda ng weblog na ito.

sana tuloy-tuloy na ito.